Latest Posts  

P1-M na Kabuhayan Loan para sa mga MSMEs, handang ipautang ng BDO Network Bank.

Despite with what we are currently facing because of the pandemic, there are still good news worth looking forward to. Personally, if you are able and has the capacity to start a business - now is the perfect timing. And with that, BDO Network Bank continues to support our small to medium scale enterprise. And here is one of the many success stories of people who were brave enough to face the world even in the middle of crisis. I hope, that we are open minded as Josephine, so that we are making our lives better as we keep moving.

SIGURADONG naranasan na ng mga maliliit na negosyante ang ma-hassle sa pag-apply ng loan. Nandyan ang mahabang proseso at napakaraming requirements, yun pala nama’y maliit na loan amount lang ang mahihiram. Kaya tuloy ang planong mapalago ang business, hindi nangyari.


Sa BDO Network Bank (BDONB), mas pinadali ang proseso at simple lang ang requirements sa pag-aapply ng loan. At higit sa lahat, siguradong mabibili ang planong additional inventory/equipment para makapag-expand ng negosyo dahil hanggang P1 milyon ang maaring maipahiram Sa pamamagitan ng BDONB Kabuhayan Loan, pwedeng madagdagan ang puhunan ng mga maliliit na negosyante o MSMEs upang mapalaki pa ang kanilang business. Ito ang naging karanasan ni Josephine Saig, isang mananahi ng mga school uniform at sports jersey.

P1-M na Kabuhayan Loan para sa mga MSMEs, handang ipautang ng BDO Network Bank
Mr. & Mrs. Saig


Dahil sa BDONB Kabuhayan Loan, nakabili si Josephine ng sapat na materyales para mag-shift ng negosyo—mula sa paggawa ng mga uniporme at jersey, gumagawa na siya ngayon ng mga reusable at washable face masks. Hanggang ngayon, masigla at patuloy pa rin ang kanyang negosyo.

“Mabuti na lang po may bumisita na taga-BDONB sa shop. Sa kanya ko nalaman ang tungkol sa Kabuhayan Loan. Mabilis lang po magpa-approve. Wala pong collateral at madali lang ang requirements. Pwedeng hulugan hanggang 24 months,” sabi niya.

Available ang Kabuhayan Loan sa mga MSMEs na tumagal na ng 3 taon ang negosyo at kumikita ng at least P15,000 na weekly sales. Hindi na rin kailangan ng collateral sa pag-aapply. Pwedeng makapag-loan mula P30,000 hanggang P1,000,000 na may installment term na 12 to 24 months. Meron din itong Credit Life Insurance kung saan protektado ang pamilya ng borrower mula sa financial burden.

Sa panahon ng pandemya, napatunayan na ang mga MSMEs ang nagbibigay ng kabuhayan sa mga komunidad. Sa kanila nakadepende ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya at ang lahat ay umaasa sa MSMEs para sa mga essential needs tulad ng pagkain. Bukod dito, ang mga MSMEs ang nagbibigay ng trabaho sa mas nakararaming Pilipino.

Ang BDONB ay nariyan sa inyong bayan at handang suportahan ang mga MSMEs sa pamamagitan ng Kabuhayan Loan. Libo-libong mga MSMEs na ang nakinabang at lumago dahil dito, lalo na noong matindi ang pandemya at nagkulang ang cash flow at puhunan ng mga MSMEs,” ani Karen Cua, senior vice president for MSME Loans ng BDONB.

Para sa mga gustong mag-avail ng Kabuhayan Loan, mag-send lang ng private message sa BDONB PH Facebook Page o kaya ay magpunta sa pinakamalapit na BDONB branch sa inyong Lugar. Pwede ring mag-apply online. I-click lang ang link https://www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.



Receive updates, travel tips and know-how straight to your email.

* indicates required



Post a Comment


Copyright © The Daily Posh | A lifestyle and travel blog. Made with by OddThemes